‘Battle of the Voices’ auditionee sa Marikina, marami ang napabilib na manonood

throy photo name

PUMUNTA ang TJC Entertainment Productions sa Marikina para sa pagpapatuloy ng grand audition ng Battle of the Voices.

Matatandaan natin na ang unang stop ay ginanap sa Robinsons Tagaytay. Last Saturday naman, July 13, ay sinugod ang Shopalooza Bazaar sa Marikina Riverbanks Center para makahanap ang susunod na rising star pagdating sa kantahan.

Nahirapan ang mga judges dahil lahat sila ay puro magagaling. Ang iba ay batikan na sa mga singing contest sa Marikina.

Hindi naman nagpahuli ang mga special guest na sina Nash Tillah, Irene Solevilla, at Josh Yape.

Unang sumabak sa kantahan ay si Irene Solevilla at kinanta niya ang Akin Ka Na Lang at Pangarap Ko Ang Ibigin Ka.

Sumunod naman si Josh Yape at kinanta ang One Way or Another na pinasikat ng One Direction at ang kanyang single na Hanggang Kailan.

Last but not the least, marami ang naaliw sa performance ni Nash Tillah at inawit ang Bakit Ba Ikaw ni Michael Pangilinan at ang very upbeat na kanta na Dalaga.

Ang Battle of the Voices ay produced by TJC Entertainment Productions and directed by Throy Catan.

Special thanks sa mga sponsors: Above AestheticsFrontrowDental FirstThroycath Travel and Tours AgencyBakes & BrewsCN HalimuyakMogu Mogu, at RIJ Events and Talents Management.

Para malaman ang susunod na venue at audition dates, bisitahin ang TJC Entertainment Productions Facebook page.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s