Arci Muñoz, hindi naiilang sa sexy scene niya with JC Santos sa pelikulang ‘Open’

throy photo name

NAKA-CHIKA namin ang star ng pelikulang “Open” na si Arci Muñoz during presscon ng Pista ng Pelikulang Pilipino. Kasama ang Open sa nasabing film festival. Makakatambal niya rito si JC Santos at masasabing kontrobersyal ang pelikula dahil naka-focus ito tungkol sa “open relationship”.

Hindi na rin nakakataka na ang aming mga katanungan ay tungkol din sa pag-ibig. Base sa mga past relationships niya, ano ang kanyang natutunan?

“Malakas po ang faith ko kay God. So, naniniwala ako na lahat ng nangyayari sa buhay ko ay may purpose… Marami na kasi ang nangyari sa akin. Siguro iyun iyong final blow ni God. Parang ‘Tanga mo. Ito na talaga ang paraan para magising ka’. Sabi ko ‘Thank you, Lord. Sinave mo ako sa heartbreak.’ After that, okay na ako.”

Kahit na broken hearted siya noon, masaya naman siya sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend ngayon na si Anton. Kahit private na tao ang kanyang boyfriend ay very supportive naman sa career ni Arci.

“Ayaw po niyang [makita sa social media]. Sabi niya sa akin ‘Huwag mo nga akong isama sa mga showbiz sh*t’. Hahaha… Sabi ko ‘Okay’

“Pero naniniwala naman ako na you don’t need that sa relationship. You’re [become] stronger pa nga.”

Ano kaya ang masasabi niya sa kanyang co-star na si JC?

“Si JC? Ano iyan, eh? Cool. Parang nakikita ko iyung mga kaklase ko dati sa UP. Kasi teatro din siya… Very professional iyan si JC. ”

Curious kami kung ano ang reaksyon nila sa isa’t isa pagdating sa mga sexy scenes. Very protective ba si JC kay Arci pagdating sa maseselan sa eksena. Ang sagot ni Arci:

“Ako ang nag-protect diyan. Kasi ano nahihiya sila. Lahat ng ka-love team ko. Lahat ng nakasama ko.

“Eh kasi, gusto ko ma-feel nila na wala akong kyeme. Okay lang iyan, eksena iyan. ‘JC naman, gawin mo iyan! Parang ewan’. Kung kiss, kiss. Kung yakap, yakap. Nung wala siyang brief hindi nga ako nailang.”

Mapapanood ang “Open” kasama ang mga pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa September 13 hanggang 19 sa mga sinehan nationwide.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s