Yeng Constantino, kinuwento ang kanyang traumatic experience sa Siargao; netizens, nag-react

throy photo name

HINDI natin ma-iwasan ang pakiramdam na nagiging-anxious tayo during accidents. Ito ang naramdaman ng Kapamilya singer na si Yeng Constantino na nagkaroon ng temporary memory loss ang kanyang asawa na si Yan Asuncion.

Sa latest YouTube video ni Yeng na ini-upload nung Huwebes, July 18, ikinuwento niya ang mga hindi inaasahang pangyayari tungkol sa kanyang trip sa Siargao.

Nagsimula ang incidente matapos na mag-cliff jumping ang asawa ni Yeng kasama ang ilang kaibigan sa kanilang trip. Nag-umpisang nagsalita si Yan tungkol sa nararamdaman niya. Pabiro niyang sinabing parang nasuntok daw siya ni Manny Pacquiao. Napansin naman ni Yeng na namumula ang mata ni Yan.

Pumunta na sila sa pinakamalapit na hospital dahil biglang nawalan ang kanyang memorya. Kahit na simpleng detalye ng kanilang bakasyon ay nakakalimutan na rin niya katulad ng kung paano sila nakarating ng Siargao.

Ang unang pinuntahan na hospital ay ang Del Carmen Hospital pero tinuro sila sa isa pang malapit na hospital dahil kulang daw sila ng medical equipment. Pagdating sa pangalawang hospital, ikinuwento ni Yeng ang tungkol sa isa doktor na wala raw sense of urgency.

Dagdag pa nito, parang gustong sumabog si Yeng nang sinabihan siya ng doktor na sobra siyang seryoso at kailangan niyang mag-pray at umupo. Napansin din ni Yeng na bakit ang ginagamit ay ultrasound at hindi nilabas agad ang tamang equipment for head injury.

Fortunately, mabuti naman ang kalagayan ni Yan ngayon.

Maraming netizens ang nakaintindi sa sitwasyon ni Yeng, pero may netizens din na pumuna sa sinabi ni Yeng sa kanyang vlog. Isa na rito ang pag-name shame daw ni Yeng sa doktor.

“What you practically did to that doctor is shaming. And since you are a celebrity, you might as well destroyed her career for the rest of her life. It took so much time and sacrifice to be a doctor, yet it only takes 30 mins for a celebrity to destroy one’s reputation.” Sabi ng isang concern na netizen.

May mga professionals naman ang nag-explain kung bakit sobrang kalma ng doktor. Anya: “I am a Nurse by profession, Head of Emergency Department, we medical staff during emergency situation must remain calm at all times for us to think accurately and do our duties, hindi namin [dapat] ipakita na natataranta din kami sa mga relatives na anxious din, maybe we hope somehow you would understand that, kasi san kayo kukuha ng kakalmahan if everybody is not kalmado.”

Meron naman nagsabi na isa na rin itong warning sa local government ng Surigao Del Norte lalo nang dumarami na ang mga turista ngayon sa Siargao, sa Pilipinas man o sa ibang bansa.

“Great observation on desperate times of need of medical assistance… this may serve as an eye opener to the Local Government of Surigao Del Norte. Provide funding to your hospitals. Stop corruption!”

Nalulungkot naman ang Surigao del Norte 1st district representative na si Cong. Francisco Jose “Bingo” Matugas sa nanyaring insidente, at ipinangako na aasikasihin nila ang kakulangan sa pasilidad sa mga ospital para sa kapakanan ng mga turista at ang kanilang kababayan.

“We are deeply saddened by the unfortunate incident experienced by Mr. Yan Asuncion, Ms. Yeng Constantino’s husband. We continue to pray for the full recovery of Mr. Asuncion and we thank Ms. Yeng for bringing to our attention the matters that apparently still need to be addressed as regards Siargao’s response to emergencies. The public may rest assured that the Provincial Government, the local executives, health and tourism officials and this representation have been taking steps to make Siargao as safe a destination as it is beautiful and fun.

Para sa buong detalye sa side ni Yeng, panoorin ang videong ito:

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s