LA Santos, Carlo Mendoza, at Kiel Alo, successful ang naging concert na “Three’s A Company”

throy photo name

NAGSAMA-SAMA ang magagaling na male singers ng ating henerasyon na sina LA Santos, Carlo Mendoza, at Kiel Alo sa kanilang concert na pinamagatang “Three’s A Company“. Ginanap ang nasabing concert last Saturday, August 10 sa Metrowalk, Ortigas.

Puro palakpakan ang natatanggap ng tatlo habang kinakanta ang mga nakakaantig na mga kanta.

Sa video, ito ang ilan sa mga naging performance nila. Kinanta nila ang mga sikat na Disney theme songs na tiyak ay familyar na sa atin.

Hindi rin makakalimutan ang kanilang sikat na single. Kay LA, kinanta niya ang kanyang rendition ng “Isang Linggong Pag-ibig“. Ni-launch naman ni Kiel ang bagong single na “Aasa Ka Ba?“. Si Carlo ay kinanta ang kanyang single na “Bituin“. Lahat ng mga kanta ay ini-release under Star Music.

Maliban kina LA, Carlo, at Kiel; nakasama rin nila sina Pinoy Dream Academy winner Laarni Lozada, at ang comedy duo na AJ Tamiza at Le Chazz.

Isa na namang matagumpay na produksyon ito ng Front Desk Entertainment Production, at ang musical director ng nasabing concert ay si Butch Miraflor.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s