Aktor na si Mike Lloren, pinasok na din ang pagla-line produce ng isang pelikula

throy photo name

HABANG inaabangan ng maraming manonood ang Metro Manila Film Festival na gaganapin sa Pasko, December 25; may mga film productions na pinaghahandaan ang kaunaunahang MMFF na mangyayari sa summer 2020.

Isa na rito ang bagong pelikula ng Killer Bride star na si Mike Lloren. Siya ang line producer ng isang romantic-comedy film. Ang nasabing pelikula ay planong isama para sa darating na Summer Metro Manila Film Festival 2020.

Kahapon, December 12, nakausap namin si Mike tungkol sa kanyang pelikula at ang mga artistang posibleng mapabilang sa cast.

“Ang story nito ay is about a lady na hindi siya ka-confident sa sarili niya. Nagkaroon din siya ng boyfriend pero akala niya ang boyfriend niya hindi siya ganoon ka love,” Kuwento ni Mike about sa synopsis ng pelikula.

Dugtong niya: “So… nagkaroon siya ng mga suitors, [kasi] wala na sila ng boyfriend niya dahil nakita niya na may kasamang girl,

“May suitor na padadalahan siya ng flowers pero hindi niya alam na boyfriend niya iyun at naging sila muli.”

During the day of the interview, nag-audition ang mga artista para sa gaganapin nilang role. Isa na rito ang model/singer na si Zyryn Laguitao, aktor na si Angelo Patrimonio,  Dadi’s Girl star Ara Altamira, Kapuso star Andrew Gan, at marami pang iba.

Ayon kay Mike, hiling niya na ang gaganap ng female lead ay si Shaina Magdayao.

“Mga napipisil talaga na bida ay si Shaina [Magdayao],

“Iyung lover niya. Iyung boyfriend to be ay si JC Santos sana,” Deklara ni Mike.

Maguumpisa na sila mag-shoot sa unang Linggo ng January 2020. Ang ay sa direksyon ni EJ Salcedo (Third World Happy).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s