Marion Aunor, bibida sa pelikulang “TOGS”

throy photo name

FIRST time gaganap ng lead role sa isang pelikula ang singer na si Marion Aunor. Excited na siya sa shoot ng kanyang bagong pelikula na “TOGS“.

Ang salitang “togs” ay pinaikling salitang “tugtugan”. Kadalasan ginagamit ang salitang ito sa mga bar kung saan mapapanood na tumutugtog ang mga banda.

Ang kuwento ay tungkol sa dalawang struggling musicians na gagawin ang lahat para matuloy ang kanilang pangarap. Bumuo ng grupo ang dalawa, at gumawa ng mga videos para i-upload online. Habang tumatagal ay na-in-love na sila sa isa’t isa; pero, habang tumatagal, magkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Ano kaya ang dahilan kung bakit sila hindi nagkaunawaan? Mare-resolve kaya nila ito at ipagpapatuloy ang kanilang pangarap? Iyan ang dapat nating alamin.

Sa mga hindi nakakaalam, first time naging leading actress si Marion sa isang pelikula, pero pangalawang beses na siya nag-appear sa pelikula. Ang una niyang movie ay ang pelikulang “Tibak” kasama ang aktor na si Jak Roberto.

Ang magiging leading man ni Marion sa pelikulang TOGS ay ang singer at theater actor na si Gerald Santos. First time din mag-lead si Gerald pero kaliwa’t kanan naman siya sa mga theater projects niya here and abroad, including Miss Saigon.

Ang “TOGS” ay sa panulat at direksyon ni Njel de Mesa (Respeto, KontrAdiksyon).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s