Pelikula tungkol sa SAF44, tuloy na; mga magulang ng SAF44, suportado!

throy photo name

INIMBITA ang mga taga-mainstream media at bloggers sa storycon ng “26 Hours: Escape From Mamasapano” na ginanap sa noong ika-25 ng Enero 2015, same date ng ika-5 anibersaryo ng SAF44 massacre.

Sa pelikulang ito, ikukwento ang buhay at kabayanihan ng 44 na pulis na nasawi sa kamay ng mga rebelde matapos magsagawa ng “law enforcement operation” laban sa mga teroristang si Zulkifli Abdhir (alias Marwan) at Abdul Basit Usman. Napatay si Abdhir samantalang nakatakas naman si Usman.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, na siya namumuno sa bagong-tayong production company na pinangalanang “Borracho Film Production“, minarapat nila na gawing initial offering ang istorya ng 44 na pulis na nasawi sapagkat dapat daw malaman ng lahat ng Pilipino kung anong tunay na nagyari sa Mamasapano noong malungkot na araw na iyon.

Matatandaang si Topacio rin ang abogado ng mga magulang ng SAF44 na nagsampa ng reklamong 44 counts ng Reckless Imprudence Resulting to Homicide sa Ombudsman laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III at ang mga heneral na sina Alan Purisima at Getulio Napena, siyang nagplano at nagsagawa ng “Oplan: Exodus” kung saan nagsimatayan ang mga pulis.

Todo suporta naman ang mga magulang ng SAF44 sa proyektong ito. Nagpahayag din ng suporta si General Amando Empiso, commanding officer ng Special Action Force, at si dating Heneral Benjamin Magalong, na ngayo’y mayor ng Baguio City, na siyang nagsagawa ng imbestigasyon sa insidente noong siya ay hepe pa ng Criminal Investigation and Detection Group.

Ang sumulat ng scrip ay ang premyadong scriptwriter na si Eric Ramos, na siyang sumulat din ng “Rainbow Sunset” kung saan siya nagwagi ng “Best Screenplay” noon 2018 Metro Manila Film Festival. Itoo naman ay direksyon ni Lawrence Fajardo, na beterano na rin sa MMFF, kung saan ang kanyang “The Strangers” ay official entry noong 2012. Kilala din siya sa mga pelikulang “Amok”, “Invinsible”, at “Posas”. Upang masiguradong pulido ang pagkakagawa ay tumatayo namang Production Consultant ang kilalang producer na si G. Jesse Ejercito.

Kumpirmado na rin ang pagganap nina Edu Manzano, Ritz Azul, at Myrtle Sarrosa sa mga mahahalagang roles. Tinatarget ni Aty. Topacio si Arjo Atayde bilang isa sa mga lead stars.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s