Anak ni Allona Amor na si Nash Tillah, sasabak na rin sa showbiz

NOONG Sabado, nag-perform ang aking anak-anakan na si Nash Tillah para sa kanyang recital sa Teatrino sa Greenhills. Isa siya sa mga mag-aaral ng Grand Music Palace Philippines, isang kilalang entertainment company na nagbibigay ng murang music course sa voice, piano, guitar, violin, and keyboard. Isa sa mga sikat nilang estudyante ay sina Ronnie Liang, Aljur Abrenica, Sofia Andres, Geoff Eigenmann, at marami pang iba...